Bakit kailangan ang Financial Education?
Ayon sa The Secret to Saving and Building Your Future Book:
Dahil marami ang nabibigo sa buhay pinansyal dahil sa maling pagpaplano at pag-iipon para sa kinabukasan.
Tingnan mo ang iyong sarili kung saan ka nabibilang dito:
Mabait: Hindi sapat ang maging mabait para umasenso sa buhay. Kadalasan yong mga mababait ang naloloko/ nai-scam dahil hindi sila marunong magduda o mag isip ng masama sa kapwa.
Masipag: Kung kasipagan lang ang batayan ng pagyaman, marami na sanang mayaman, lalo na sa Pilipinas.
Matalino: Maraming smart people, valedictorian, summa cumlaude, mga nakapagtapos ng matataas na degree pero broke pa din.
Millennials: Ang kabataan ngayon ay hindi naniniwala sa pag-iipon, lalo na ang mga millennials, Sabi nga nila, YOLO, "You Only Live Once" kaya ang kanilang pera ay nasa gadgets, gimmicks, travels at kung anu- ano pa na sa kanila ay magpapasaya ng pansamantala
Retiree/ Senior Citizen: Tumingin ka sa paligid at makikita mo na karamihan sa mga Senior Citizens ay di nakaipon, hindi sapat ang pensyon, nagttrabaho parin sa kanilang mahinang katawan at umaasa sa gobyerno sa kanilang pangangailangang medikal.
Professional: Ano mang propesyon ngayon, teacher, doctor or engineer ay hindi naggagarantiya ng maayos na kinabukasan, Ilan kaya ang kakilala mo na matatagumpay noon, wala ng pera ngayon at tumanda na wala man lang naipon?
Walang gusto maging ganito, pero nangyari dahil kulang sa Financial Education lalo na sa Tamang Pagpa-plano.
Saan ka dito? Nasaang edad ka na ngayon at propesyon?
Kailangan mo rin ba ng Financial Education?
Message mo lang ako usap tayo.
For Free para makaattend ka lang ng aming Libreng Financial Online Seminar.